SA National Museum of the Philippines idaraos ang panunumpa sa tungkulin bilang ika-17 Presidente ng Pilipinas si president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Itinakda sa katanghalian ng Hunyo 30 ang panunumpa ni Marcos na nakakuha ng mahigit 31 milyong boto sa nakalipas na May 9 national at local elections.
Ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida Angping, nag-inspeksyon na ang mga miyembro ng inaugural committee sa lugar at nakumpirma na naaangkop na venue ang National Museum.
“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos’ inauguration,” pahayag ni Angping.
“Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” dagdag nito.
Nauna na ring ikinunsidera ng inaugural committee ang Quirino Grandstand para sa oath-taking ni Marcos.