4 patay sa mass shooting incident sa Tulsa, Oklahoma

PATAY ang apat na katao habang maraming sugatan są panibagong mass shooting są St. Francis Hospital są Tulsa, Oklahoma.

Kabilang sa mga namatay ang gunman na ayon sa Tulsa Police Department ay posibleng nagbaril sa sarili.

Inilarawan ni Capt. Richard Meulenberg ng Tulsa Police ang lugar kung saan naganap ang pamamaril na isang catastrophic scene.

Ayon sa paunang ulat, bigla na lang pumasok ang suspek sa Natalie Medical Building at namaril gamit ang rifle.   

Hindi pa malinaw kung ano ang motibo ng lalaking suspek na wala pang pagkakakilanlan ngunit nasa tinatayang edad 35 hanggang 40.

Inihayag naman ng Philippine Consulate General sa Houston Texas Vice Consul Marco Lopez sa isang email na walang pilipinong nadamay sa pamamaril.

Ito na ang ika-233 na mass shooting na naitala sa Amerika sa pagpasok ng 2022, batay sa database ng gun violence archive.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.