PNP-Chaplain Service, pinalawak ang KASIMBAYANAN program ng PNP

PINALAWAK pa ng Philippine National Police (PNP)-Chaplain Service ang KASIMBAYANAN program ng PNP sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Kasabay ng puspusang pagsusulong nito, personal na pinangangasiwaan ni PNP-Chaplain Service Director Police Brigadier General Msgr. Jason Ortizo ang higit na pagpapalawak at pagsusulong ng programa sa pamamagitan ng pagbisita sa iba’t-ibang kampo ng PNP.

Ang personal na pakikipagdayalogo kay Diocese of Maasin Bishop Precioso Cantillas kaugnay sa revitalized KASIMBAYANAN Program sa lalawigan ni Ortizo ay bahagi ng kanyang naging pastoral visitation sa Police Regional Offices ng PNP sa Leyte at Southern Leyte.

Tinalakay ang mahalagang papel na ginagampanan ng religious sector o mga kura paroko sa bawat parokya upang magsilbing gabay sa pagkakaroon ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng Simbahan, pamayanan at mga kapulisan sa pagsasabuhay ng Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.

Bukod kay Ortizo, kabilang din sa nakibahagi sa pakikipagdayalogo kay Bishop Cantillas sa Bishop’s Residence sa Maasin City noong ika-28 ng Oktubre, 2022 ay ang iba pang opisyal ng PNP sa rehiyon sa pangunguna ni PCol. Hector Enage na siyang acting Police Director ng Southern Leyte Police Provincial Office.

Layunin ng pagpapaigting sa revitalized KASIMBAYANAN Program ng PNP na pinangangasiwaan ng PNP-Chaplain Service ay higit pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, komunidad at ng mga faith-based groups para sa maayos at mapayapang pamayanan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.