Ginang na sakay ng e-bike na nakaladkad ng tren, patay

Share this information:

ISANG e-bike na may sakay na ginang ang nahagip at nakaladkad ng isang rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Paco, Maynila na nagresulta ng agaran nitong pagkamatay.

Sa imbestigasyon ng Manila Traffic and Enforcement Unit (MTEU), nakilala ang biktima na si Dahlia Barcelon y Dela Merced, 55 anyos, at nakatira sa 1780 Mulawin Alley, Peralta Street, Sta. Mesa, Maynila.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang electronic bike at binabagtas ang kahabaan ng westbound side ng Dr. ML Carreon Street alas 6:30 kagabi. Pagsapit sa Laura Street, Railroad Crossing, Paco, Maynila, nahagip ito ng tren na may body number na EMU 5 Del 917 na patungong northbound na direksiyon.

Nakaladkad din ang biktima ng ilang metro kaya idineklarang dead on the spot.

Dinala ang labi ng biktima sa Manila Islamic Cemetery & Cultural Hall para sa safekeeping.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.