Breaking News

Share this information:

MAGKAKAROON na ng Kadiwa store sa Maynila ayon sa pamahalaang lungsod.

Nakipag-ugnayan na umano ang Presidential Management Staff para sa ilulunsad na Kadiwa sa Pasko project bukas, ika-5 ng Nobyembre ganap na alas 10 ng umaga sa Rizal Avenue Sports Athletic Club o RASAC.

Inaasahan naman na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa pagbubukas ng proyekto.

Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, ang nasabing proyekto ay kapareho rin ng ibang Kadiwa project kung saan nakatutok ito ngayong Pasko.

Ang Kadiwa ay magbibigay pa rin aniya sa mga magsasaka ng direktang merkado para ibenta ang kanilang mga produkto ngayong holiday season. 

Dagdag pa ni Abante, iikot din ang nasabing proyekto sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Dahil sa Kadiwa sa Pasko project, pasok na rin ang lungsod ng Maynila sa mga lungsod sa Metro Manila na makikitaan ng Kadiwa stores.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.