MALIBAN sa 39 na recruitment agencies sa Saudi, mayruon ding labing-walong kumpanya ang sinuspindi at apatnapung employer ang blacklisted ngayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Riyadh.
Ayon kay Labor Attachae Fidel Macauyag, bahagi ito ng kanilang kampanya ng paglilinis ng mga recruitment agency mula sa mga malimit na paglabag at pag-abuso ng Overseas Filipino Workers.
Sinabi ni Macauyag na mayruong mahigit animnaraang Saudi recruitment agencies sa ngayon at maaaring tapyasin ito sa 100 o mas kaunti pa sa mga susunod na buwan.
Naniniwala ang opisyal na ang paglilinis sa hanay ng Saudi recruitment agencies ang tanging paraan upang mabawasan ang welfare cases ng mga Pilipino sa abroad.
Mahigpit nang ipinatutupad ng POLO Riyadh ang pagbeberipika ng mga kumpanya upang matiyak na ang recruitment agencies sa Saudi Arabia ay lehitimo at sumusunod sa mga pamantayan.