Breaking News

Share this information:

DALAWANG resolusyon ang inaprubahan kamakailan sa isang national council meeting ng PDP-Laban kung saan naglalayon itong himukin si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa Eleksyon 2022.

Ang nasabing resolusyon din umano ang siyang magbibigy-daan para sa pangulo na makapamili ng kanyang magiging running mate o tatakbong presidente sa halalan.

Ang mga miyembro ng PDP-Laban na present sa council meeting sa Cebu City ay pumirma sa naturang resolusyon.

Magdaraos din ng isang “national assembly” ang PDP-Laban, bilang bahagi ng paghahanda ng partido sa Eleksyon 2022, ayon pa kay Raul Lambino, PDP-Laban VP for external affairs.

Iginiit ni Lambino na ang isasagawang national assembly, na napipintong ganapin sa Hulyo 17, 2021, ay gagawin “subject to IATF restrictions” at kailangang aprubahan ni Pangulong Duterte bilang chairman ng partido.

Ang pagsasagawa ng national assembly ay ang magiging daan upang makapili ng mga opisyal na kandidato ng partido o tingnan kung sino ang mga maaaring gawing standard bearer, kasama na ang mga kandidato para sa gaganaping nasyonal at lokal na halalan sa 2021.

Subalit bago ang national assembly, magsasagawa muna ng isang national council meeting ang partido, na mayroon nang 100 daang libong miyembro, sa Hulyo 16.

Isang “manifesto of support” ng mga miyembro ng partido para kay Pangulong Duterte ang inaprubahan din sa naturang council meeting..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: