Pinasinayaan ng Taguig City Government ang kanilang ‘Tele-Aral’ program ang bago at inisyatibo sa madaling pagkuha ng edukasyon sa ilalim ng blended learning ng lungsod.
Ginanap sa Senator Rene Cayetano Science and Technology High School ang launching na pinangunahan ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang nasabing program na tinawag na “Hybrid Modular Distance Learning”.
Ayon Kay Taguig City Education head Dr. George Tizon nakapag handa ang lungsod para sa distance learning ng Department of Education (DepEd).
Bukod sa program ng DepEd maraming inisyatibo at inobasyon ng lokal na Pamahalaan upang tiyakin ang mataas na kalidad na edukasyqon matatamo ng 144,000 mag aaral nito.
Sinabi pa ni Tizon na pangunahin dito ang hybrid modular distance learning kung saan ang standard module ng DepEd Central Office ay nirebesa ng mga grupo ng dating Director at Superintendent ng DepEd Taguig at lalong pinataasan ang kalidad ng module sa tulong ng apat na International & Foreign School.
Idinagdag pa ni Tizon na ginawa ito ng mga International Teachers habang sila ay nasa labas ng bansa dahil sa Quarantine.
Sa Tele-Aral Program ipinakilala ng Taguig Local Government Unit (LGU) sa mga magulang at mga mag-aaral ng lungsod ang naturang programa upang mabigyan ng gabay ang mga estudyante sa pagbubukas ng klase ngayong darating na Oktubre 5.
Matatandaan na nag viral sa Social Media cyber graduation ng mga mag-aaral ng Senator Rene Cayetano Science and Technology High School dahil sa robot na binuo ng mga estudyante na gamit na sa Mega Quarantine facility sa lakeshore hotel sa Taguig upang magbigay ng gamot sa mga COVID-19 patient.
Bukod sa programa, nagpatupad din ang lungsod ng Tutorial Program bilang karagdagang tulong sa mga mag-aaral na mahihirapang makasunod sa mga lesson sa ilalim ng blended distance learning upang tiyakin na walang maiiwang mga estudyante partikular ngayong panahon ng pandemya.