La Niña phenomenon, ramdam na

Share this information:

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa mas mataas na normal na dami ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa sa huling bahagi ng taon hanggang sa mga unang buwan ng 2021 dahil sa La Niña phenomenon.

Ayon sa Pagasa, kung pagbabatayan ang tinatawag na oceanic at atmospheric indicators ay nagpapakita ito ng presensya ng La Niña sa Pasipiko.

“Since June 2020, the sea surface temperature in the central and equatorial Pacific started to cool and further strengthened in September 2020 reaching La Niña threshold. Based on the latest forecast, weak to moderate La Niña is likely to persist until the first quarter of 2021,” ayon sa Pagasa.

“Rainfall forecast from October 2020 to March 2021 suggests that most parts of the country will likely receive near to above normal rainfall conditions,” dagdag abiso nito.

Kasabay nito, inihayag ng Pagasa na mayruong lima hanggang anim na bagyo, na karamihan ay inaasahang tatama sa kalupaan, ang papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ibinabala ng Pagasa na posibleng magdulot ng biglaang mga pagbaha at pagguho ang mga darating na bagyo partikular na sa silangang bahagi ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.