Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 5.7 na lindol

NARAMDAMAN ng mga residente sa ilang lugar sa Surigao provinces ang pagyanig na naitala sa magnitude 5.7, Lunes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-6:13 ng umaga nang ma-monitor ang lindol sa layong 87 kilometro ng bayan ng Bayabas sa Surigao del Sur.

May lalim na 22 kilometro ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan.

Nasa Intensity IV ang naramdaman ng mga residente sa Bayabas, Surigao Del Sur; Intensity III sa Tago, Surigao Del Sur; Claver, Surigao Del Norte; Intensity II sa Tandag City, Carmen at Cagwait, Surigao Del Sur habang Intensity I sa Hinatuan, Surigao Del Sur.

Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity I sa Surigao City; at Gingoog City.

Bandang alas-6:21 ng umaga namang maitala ang magnitude 5.3 na aftershock sa bayan ng Bayabas na may lalim na walong kilometro. H

indi na inaasahan ng Phivolcs na makapagdudulot ng pinsala ang mga lindol ngunit posible pa rin ang aftershocks.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.