64-anyos na ina, hinalay ng sariling anak

Share this information:

Ipinaaresto ng isang 64-anyos na ina ang kanyang sariling anak matapos siyang halayin sa loob ng kanilang tahanan sa Taguig City.

Kasalukuyang naka piit sa custodial facility ng Taguig City Police at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 (rape) ang suspek na itinago sa pangalang Dennis ,39, hiwalay sa asawa àt may dalawang anak, electrician ng Barangay Calzada, Taguig City.

Sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD), nangyari ang panghahalay sa bahay ng ginang sa nabanggit na lugar sa pagitan ng 1:00 ng madaling araw hanggang 4:00 ng madaling araw nitong Linggo.

Batay sa inisyal imbestigasyon, habang natutulog ang biktima sa kanyang kuwarto nang pasukin ng suspek na anak at hinatak siya patungong silid ng suspek at doon isinagawa ang panghahalay.

Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima na tumakas at nagtungo sa bahay ng anak na babae sa Pateros at ikinuwento ang kahayupan sa kanya ng anak kaya agad na humingi ng tulong sa mga barangay security force na sina Dominador Cuison at Nilo Granil na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Napag-alaman na ang suspek ay kilala bilang adik sa ilegal na drogang shabu sa kanilang lugar.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.