Schedule ng distribusyon ng mga COVID-19 vaccine, nakabinbin pa rin – DOH

NILILINAW ngayon ng Department of Health (DOH) na nakabinbin pa rin ang magiging rollout o distribusyon ng mga COVID-19 vaccine bagamat may inaasahan nang darating na mga bakuna mula sa Sinovac.

Ayon sa pahayag ng DOH, naka-hold ang rollout ng 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccines habang hinihintay pa ang ebalwasyon at rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group o NITAG.

Kakailanganin din ang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa rekomendasyon ng NITAG.

Pero kinumpirma rin ng DOH at National Task Force Against COVID-19 na darating na sa mga susunod na araw ang donasyong bakuna.

Isasagawa umano ang arrival ceremony sa Villamor Airbase sa Pasay City ngunit isinasapinal pa ang ibang detalye nito sa pakikipag-ugnayan sa embahada ng China sa Pilipinas. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.