Higit 2,000 bagong kaso na COVID-19, naitala ngayong araw

Share this information:

PUMALO muli sa mahigit dalawang libo o kabuuang 2,269 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.

Dahil dito, umaabot na sa 568,680 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala ng Department of Health (DOH).

Sa nasabing bilang, 32,437 ang mga active cases o patuloy pang nagpapagaling.

Nasa 738 naman ang naitala na bagong gumaling kaya’t nasa 524,042 na ang total recoveries habang 72 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya’t nasa 12,201 na ang total ng mga namamatay dahil sa virus infection. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.