Pagproseso ng aangkating COVID-19 vaccines, isinama ng DOF sa Mabuhay lane

INAPRUBAHAN na ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pagsama na rin sa lahat ng importasyon o pag-aangkat ng COVID-19 vaccines sa “Mabuhay” o Express Lane upang mapabilis ang pagproseso ng tax at duty exemptions ng mga ito.

Inaprubahan din ni Dominguez ang pag-waive ng filing fees para sa COVID-19 vaccine applications sa Mabuhay Lane at ang paggamit ng tax exemption system (TES) online filing module sa pagproseso ng vaccine imports.

Nilalayon umano nito na mapabilis ang pag-rollout ng vaccination program ng pamahalaan.

Bente-kuwatro oras ding magpoproseso ang Mabuhay Lane ng mga aplikasyon para sa COVID-19 vaccine tax exemptions.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.