PLDT nakatakdang isailalim sa emergency maintenance

Magkakaroon ng emergency maintenance ang Philippine Long-Distance Telephone (PLDT) Incorporated sa isa nilang international cable system.

Sa kanilang abiso, magsisimula ang maintenance alas 9 ng umaga ng Sabado, September 26, na magtatagal ng hanggang alas 5 ng umaga ng Miyerkules, September 30.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng kumpanya na hindi mapuputol ang kanilang communication at internet connectivity services.

May inihanda umano silang traffic re-routing at iba pang paraan para mabawasan ang impact ng emergency maintenance sa kanilang mga customer pati na sa mga smart subscriber.

Gayunpaman, posible pa ring makaranas ng pagbabagal sa kanilang serbisyo.

Ang emergency maintenance ay isasagawa sa kanilang submarine cables na pinapangasiwaan ng operator ng international trans-pacific submarine cable system na Asia America Gateway (AAG) sa bahagi ng Hongkong.

Apektado rin umano ng maintenance ang Sky Fiber subscriber simula alas 8 ng umaga ng September 25 hanggang alas 5 ng madaling araw ng September 30.

Magdudulot umano ito ng pagbabagal sa internet connection na makaka apekto sa social media, web browser at video streaming sites.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.