2,000 baboy, apektado ng African Swine Fever

Share this information:

Nasa 2,000 baboy ang naapektuhan ng bagong outbreak ng African Swine Fever o ASF sa anim na lalawigan ng Luzon.

Kabilang sa mga lugar ang Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon at Cavite.

Itinuro ni Agriculture Secretary Willima Dar ang mga pasaway na backyard raisers at hog traders na nagbebenta ng baboy at ng kanilang karne na ma sakit.

Pero inamin ni Dar na naging malaking tulong ang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic para mapigilan ang pagkalat ng ASF sa katabi pang mga lalawigan.

Muling nanawagan si Dar sa mga lokal na pamahalaan na manguna sa pag-monitor sat pagsawata ng mga outbreak ng ASF sa kani-kanilang hurisdiksyon.

Sinabi ni Dar na puwedeng kumuha ng baboy at meat products mula Mindanao at sa iba pang bansa kung kakailanganin ang dagdag na suplay nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.