Inflation rate bumagal nuong Agosto – PSA

BUMAGAL ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nuong nakaraang Agosto.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, naitala ang 2.4 porsyentong pagbagal ng implasyon.

Tinukoy nito ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nuong nakaraang buwan ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng food and non-alcoholic beverages.

Ang paggalaw ng presyo ng restaurant at miscellaneous goods and services ay nag-ambag din umano sa pagbaba ng inflation sa bansa.

Samantala, ang housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang fuel ay nagtala ng mas mataas na inflation sa antas na 0.9 percent.

Ang naitalang inflate rate ay mas mababa pa umano sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.53 hanggang 3.3 percent. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.