FB page ng Philippine Army na hinihinalang mga huwad, binaklas ng Facebook

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Army sa pamunuan ng Facebook para alamin kung ano ang posibleng naging paglabag ng kanilang mga sundalo matapos tanggalin ng Facebook ang Facebook pages na ini-uugnay sa militar.

Una ng sinabi ng Facebook na inalis ang mga FB pages ng Philippine Army dahil umano sa “inaccurate behaviour”.

Sinabi ng tagapagsalita ng Philippine Army na si Colonel Ramon Zagala na hindi nila kinukunsinti ang ano mang uri ng misbehavior ng kanilang sundalo.

Si Captain Alexandre Cabales na pinuno ng social media center ng Philippine Army ang tinukoy ng Digital Forensic Research Lab (DFRL) na isa sa mga operator ng network ng pages na inalis ng Facebook.

Sinabi ni Zagala na nakausap na nila si Cabales.

Nagulat umano ang sundalo at iginiit nito na wala naman siyang ibinahaging pekeng balita.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.