Pagmanipula sa suplay ng frozen pork, isiniwalat ng Department of Agriculture

Sinisilip ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang insidente ng pagmanipula sa suplay ng frozen pork.

Sa laging handa public briefing, isiniwalat ni Agriculture Secretary William Dar  na inaalam nila kung sino sino sa mga nagmamay ari ng cold storage facilities and warehouses ang sangkot sa pag hoard ng frozen pork.

Ayon kay Dar, nasa 55% ang  inventory  ng frozen pork ng bansa, mas mataas kumpara sa suplay noong isang taon, subalit, pinipigilan ang paglabas nito para mamanipula ang presyuhan.

Nagbabala si Dar na gagawin nila ang lahat para regular na  maipalabas  sa merkado ang mga frozen pork supply na nasa cold storages.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.