Sinisilip ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang insidente ng pagmanipula sa suplay ng frozen pork.
Sa laging handa public briefing, isiniwalat ni Agriculture Secretary William Dar na inaalam nila kung sino sino sa mga nagmamay ari ng cold storage facilities and warehouses ang sangkot sa pag hoard ng frozen pork.
Ayon kay Dar, nasa 55% ang inventory ng frozen pork ng bansa, mas mataas kumpara sa suplay noong isang taon, subalit, pinipigilan ang paglabas nito para mamanipula ang presyuhan.
Nagbabala si Dar na gagawin nila ang lahat para regular na maipalabas sa merkado ang mga frozen pork supply na nasa cold storages.

