Bagsak na presyo ng palay, walang kinalaman sa rice importation – DA

ITINANGGI ni Department of Agriculture (DA) spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na ang pag-aangkat ng bigas ang nagresulta ng pagbagsak sa presyo ng palay sa bansa.

Ayon kay Reyes, bumaba ang presyo ng palay ng mga lokal na magsasaka dahil sa basa o mataas na moisture content nito.

Diin ng opisyal, ang presyuhan ng palay ay nakadepende sa tinatawag na law of supply and demand.

Kapag basa aniya ang palay ay hindi ito nabibili sa mataas na presyo o naglalaro na lang sa P12 hanggang P14 kada kilo kumpara sa tuyong palay na nasa P16 hanggang P17 ang farmgate price.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.