Signal No. 1 nakataas sa 11 lugar sa bansa dahil sa bagyong Quinta

ASAHAN nang magdudulot ng mga pag-ulan at posibleng lumakas pa habang kumikilos sa Bicol Region ang bagyong Quinta.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Northern Samar, hilagang bahagi ng Masbate (Mobo, Uson, Milagros, Masbate City, Baleno, Mandaon, Balud, Aroroy, Dimasalang) kabilang ang Ticao at Burias Islands, at katimugang bahagi ng Quezon (Atimonan, Pagbilao, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Mulanay, Buenavista, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan, Calauag, Tagkawayan, Quezon, Alabat, Perez)

Tinataya ng PAGASA na tatama sa kalupaan ng Bicol Region ang bagyong Quinta, Linggo ng gabi o Lunes ng madaling araw at kikilos patungong Southern Luzon.

Inaasahang lalakas pa ang Tropical Depression Quinta at papasok sa kategoryang Tropical Storm sa mga susunod na oras.

Huling namataan ang bagyong Quinta sa layong 610 kilometro ng Silangan ng Juban, Sorsogon. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong 70 kilometro kada oras. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.