PBA bubble player, nagpositibo sa COVID-19

Share this information:

INIULAT ng Philippine Basketball Association (PBA) na isang manlalaro ng PBA bubble ang nagpositibo sa COVID-19.

Tinukoy ng PBA ang pahayag ni testing czar Secretary Vince Dizon na ang manlalaro na nagpositibo sa virus ay nasa ilalim ngayon ng isolation.

Inirekomenda rin ni Dizon sa PBA na isailalim sa antigen at RT-PCR test ang nasabing player.

Sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na maging ang buong team ng Black Water at kanilang nakalabang team ay naka-isolate na rin.

Nauna nang napaulat na isa ring referee sa PBA bubble sa Pampanga ang unang nagpositibo sa COVID-19 ngunit nang lumabas ang resulta ng RT-PCR test at antigen test nito ay nag-negatibo na.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.