Breaking News

Share this information:

Nagbigay ayuda ng halagang P1-million loan assistance ang Muntinlupa City Government sa Salon de Ayala Service and Credit Cooperative para sa mga lokal na negosyo at para makabangon din ang mga salon na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Nilagdaan sa pagitan nina Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi at Salon De Ayala head Pam Godinez ang memorandum of agreement para sa loan assistance.

Saksi sa moa signing sina City Cooperative Officer Cynthia Viacrusis at Councilor Eliot Martinez.

Tiniyak ng mga lokal na opisyal na patuloy na aalalay at susuporta sa mga may-ari ng negosyo sa lungsod ang lokal na gobyerno at iba pang programa kabilang ang ‘Tulong Negosyo Program’ na nagpapahiram ng dagdag-puhunan mula P2,000 hanggang P150,000.

Sa ulat, Setyembre 17, 2020 ay nakapagtala ang Muntinlupa city ng . 3,967 confirmed cases, 3,188 recoveries, 649 active cases, 130 reported deaths, 452 suspect cases, at 581 probable cases.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.