Sinimulan ng ipatupad ang pagbubukas ng bicycle at motorcycle lane sa lungsod ng Paranaque ngayong araw ng Sabado.
Pinaghatian ang linya ng isang lane ang para sa bisikleta at motorsiklo upang matiyak ang kaligtasan ng mga siklista at motorcycle riders na bumabaybay sa kahabaan ng Dr. A Santos Ave. ng naturang lungsod.
Kinumpirma naman ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez na hindi muna sila mag-iisyu ng tiket kung sinoman ang mga lalabag sa ordinansa.
Ayon sa alkalde, pagsasabihan lamang nila ang mga lumabag at sa loob ng isang buwan para ma-educate ang mga siklista, motorcycle riders at ang mga motorista.
Pero sinabi ni Olivarez sa darating sa buwan ng Oktubre 19 kanila ng sisimulan ang pag-iisyu ng tiket sa mga lalabag sa ordinansa.
Pagmumultahin ng halagang P500 ang sinuman lumabag na siklista na sasakop sa hindi nito linya at kukumpiskahin ang kanilang bisikleta.
Sa mga motorcycle riders naman na lalagpas sa kanilang linya ay may multa ng P1,000.
Ang mga motorista na sasakupin ang linya ng bike at motorsiklo ay may multa rin na halagang P1,000.
Binigyan diin pa ng alkalde na bibigyan lamang nila ng pahintulot na sakupin ng motorista ang linya ng bike at motorcycle kung kakanan at magbaba ng pasahero sa tamang babaan ang mga motorista.
Sa ngayon ang bike at motorcycle lane sa Dr. A Santos Avenue ay magsisimula sa Sucat interchange hanggang SM Sucat.
Nilinaw ni Olivarez na magtutuloy tuloy ito hanggang Baclaran subalit dahil sa LRT projects hanggang SM Sucat muna ang naturang linya para sa mga siklista at motorcycle riders.
Ipinagbabawal naman dumaan sa naturang kalsada ang mga iba’t ibang uri ng e-bikes ng lungsod sa mga pangunahing kalsada.