Mga panadero, nanawagan ng suporta mula sa gobyerno

NANAWAGAN ng suporta mula sa gobyerno ang samahan ng mga panadero na mabigyan sila ng  puwang upang mas palawigin pa ang programang mabigyan ng masustansyang pagkain at nutrisyon ang mamamayang Pilipino.

Sa pagdiriwang ng World Bread Day ngayong Oktubre kasabay na rin ng ika-40 taong anibersaryo ng Tinapayan Festival Bakeshop, sinabi ni Luis Chavez, COO, manufacturing division ng nasabing bakeshop na hindi lamang ito sa kapakinabangan ng industriya ng magtitinapay kundi makikinabang din ang mga lokal farmers sa bansa gayundin ang mga nasa industriya na supplier ng raw materials gaya ng Philippine Association of Millers Inc.

Aminado naman si Lucito “Chito” Chavez, ang founder at general manager ng naturang bakeshop, na  ang community bakery ay talagang nahirapan dahil nagtaas ang presyo ng sangkap, malaki ang itinaas ng asukal at hirap sa pag-order ng asukal, at nagtaas din ang diesel fuel.

Sa kabila nito nagpipilit kaming mag survive nandito pa kami…pinipilit naming makapagbukas o makapag-operate  sa ating mga bakery,” saad ni Chito.

Sinabi nito na ilang bakery na rin ang nagtaas na ng presyo ng produkto nila nitong nakaraang mga araw at ang iba naman ay nagpaliit ng serving para mapanatili ang industriya ng magtitinapay.

Tiniyak din nito sa publiko na ang magtitinapay, maghaharina o sino pa man, na hindi tubo ang kanilang hinahabol kundi survival.

Hindi po tubo ang hinahabol, ang hinahabol po namin survival–mabuhay, magsama-sama pa sa susunod na panahon, magkakasama pa sa susunod na pagkakataon. Yan po yang aming pananaw,” turan ni Chito.

Sa aabot ng makakaya po namin mga asosasyon ng panaderong Pilipino at sa malilit na asosasyong gumagawa ng tinapay ay handang tumulong sa mga sakuna,”  dagdag pa nito

Umapela rin ito sa mga konsyumer na kung saka-sakali aniyang may konting paggalaw sa presyo ng tinapay, pagtitiyak niya na hindi sila umaabuso dahil nakatingin sa kanila ang Department of Trade and Industry (DTI) at sila rin ay nakikipag-ugnayan para sa kapakanan ng masang Pilipino na hindi nakakabili ng mahal na tinapay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.