Mahigit P.5-milyon cash, natangay ng kawatan sa auto shop sa Malabon City

Share this information:

Natangay ng hindi pa kilalang kawatan ang higit sa kalahating milyon halaga ng cash na kinita ng isang auto shop na nasilihin nito sa lungsod ng Malabon.  

Batay sa imbestigasyon ni Police Staff Sgt. Diego Ngippol, alas-7 ng Linggo ng umaga ng madiskubre ang panloloob sa Goodyear Autocare na matatapugpuan sa Lot C-03, Dagat-Dagatan, Barangay Longos.

Isang caretaker ng nabanggit na shop ang nagbigay impormasyon sa pulisya kaugnay ng insidente ng mag duty na ito sa lugar kung saan naabutan na magulo at nagkalat ang kagamitan ng kanilang tanggapan.

Tatlong vault ang sinasabing naglalaman ng P562,000 cash na nilimas ng suspek matapos ang isinagawang inventory.

At ng suriin ang kuha ng CCTV camera sa lugar ay dito napag-alaman na isang lalaki ang nakapasok sa opisina sa pamamagitan ng rooftop ng gusali pasado ala 1 ng madaling araw.

Inaalam pa sa imbestigasyon kung isang inside job ang nangyaring panloloob ng kawatan na patuloy din kinikilala ang pagkakakilanlan nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.