Bangkang may sakay na 15 na mangingisda, lumubog sa Infanta, Pangasinan

Share this information:

Nagpapatuloy ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang bangkang pangisda na may lulan na labing-limang mangingisda ang lumubog sa karagatang sakop ng Infanta, Pangasinan.

Ngayong araw lamang naipabatid sa PCG ang nangyaring pagtaob sa fishing boat Aqua Princess nuong Oktubre 7.

Ito ay makaraang makarating sa bayan ng Infanta kaninang alas-5:30 ng madaling araw ang dalawa sa mga crew ng bangkang pangisda na sina Pedro Manalo, Jr. at Jerby Regala upang humingi ng saklolo.

Ayon sa dalawang crew, hatinggabi nuong Miyerkules nang lumubog ang FB Aqua Princess.

Nagtungo na sa lugar ang PCG katuwang ang Philippine National Police at lokal na pamahalaan upang mailigtas ang iba pang crew ng lumubog na fishing boat.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.