Umaabot na sa 37,105,925 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Batay sa huling tala ng John Hopkins University and Medicine ngayon pasado alas-12 ng tanghali, pinakamaraming kaso ang naitala sa Estados Unidos na nasa 7,717,932; sumunod ang India na may 6,979,423 mga kaso at ang Brazil na may 5,055,888 naitalang mga tinamaan ng virus infection.
Nasa 1,071,388 naman ang naitatalang nasawi sa COVID-19 habang 25,764,378 ang mga gumaling o naka-rekober sa sakit.
Kung pagbabatayan ang tala ng John Hopkins, ika-19 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mga bansa sa buong daigdig.