Ika-29 na vaccination site, binuksan sa Hermosa sa Bataan

Share this information:

PORMAL na binuksan kamakailan ang ika-29 na vaccination site sa lalawigan ng Bataan at ikalawa naman sa bayan ng Hermosa, na matatagpuan sa Elementary School ng Barangay Bamban, Hermosa, Bataan.

Ang pagpapatayo ng vaccination site, ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, ay ang tugon ng pamahalaang ayan ng Hermosa sa panawagan ng lalawigan ng Bataan at Bataan Governor Abet Garcia, para sa mas mabilis na pagbabakuna upang maagang makamit ang herd immunity sa lalawigan at para sa mas masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Ito po ay para mas maraming mabakunahan sa ating bayan, sa mga taga-upland, at hindi na mamasahe papuntang bayan para magpabakuna,” pahayag ni Mayor Inton sa panayam ng 1Bataan News. 

Ang pagbubukas ng vaccination site ay pinangunahan ni Bataan Vice Governor Cris Garcia, Hermosa Mayor Jopet Inton, Hermosa Municipal Health Office chief  Dr. Bismarck Abad, Joey Gaza, punong guro sa Bamban Elementary School at Bamban Punong Barangay Medardo Miranda.

Ang unang vaccination site sa Hermosa ay matatagpuan naman sa loob ng Saint Peter of Verona Academy. 

Sa Barangay Bamban din pormal na pinasinayaan ang Vax on Wheels na marami nang mga malalayong lugar ang napuntahan para sa mga Bataenyong nasa malalayo at upland villages at work places na walang kakayahan o oras na magtungo pa sa mga vaccination sites.

Nitong Setyembre 11, 2021, umabot na sa 10,884 ang naturukan ng unang dose kontra COVID-19 at 5,321 naman ang mga fully vaccinated na sa bayan ng Hermosa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.