Karagdagang Pfizer vaccines, dumating sa Pilipinas

Share this information:

NASA kabuuang 753,480 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa bansa noong Miyerkules, ika-15 ng Setyembre, ayon sa National Task Force Against COVID-19 (NTF).

Lulan ng isang Air Hongkong flight, sinalubong ni NTF special adviser Dr. Teodoro Herbosa ang mga bakuna na lumapag sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City noong Miyerkules ng gabi.

There are many more coming. Pfizer is delivering at the last part of September almost 5 million doses of vaccines both from donation and from COVAX as well,” sabi ni Dr. Herbosa.

Sa kabuuang bilang ng mga dumating na 753,480 na mga bakuna, mayroong nakuhang 650,520 doses ang National Capital Region (NCR), 51,480 doses para sa lungsod ng Cebu at 51,480 doses din para sa lungsod ng Davao, ayon sa NTF.

Ang 650,520 doses para sa NCR ay dadalhin sa Pharmaserv Express cold storage facility sa lungsod ng Marikina.

Napili ang Cebu at Davao dahil ang mga lugar na ito ay may kapasidad na itago nang maayos sa ultra low temperature storage ang mga vaccine doses tulad ng Metro Manila.

Sa ngayon, mahigit 17 milyong Filipino na ang fully vaccinated habang pumapalo naman sa 22 milyon ang nakatanggap na ng kanilang unang shot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.