British actress na si Millie Bobby Brown, engaged na sa nobyong si Jon Bongiovi

Share this information:

ENGAGED na ang British na aktres na si Millie Bobby Brown sa kanyang nobyo at aktor na si Jon Bongiovi.

Sa isang Instagram post ni Brown nitong Martes, ibinahagi nito ang larawan nilang dalawa na kung saan ay nakayakap si Bongiovi sa aktres na may caption na, “I’ve loved you three summers now, honey, I want ‘em all [heart emoji],” hango sa kanta ni Taylor Swift na “Lover.”

Nakuha naman ang atensyon ng mga fan sa diamond ring na suot ni Brown at mabilis kumalat sa mga social media platform ang usapang engaged na ang dalawa. Kasunod ng Instagram post ng aktres ay nagbahagi rin ng kanilang larawan ang aktor na may caption na “Forever.”

Kilala si Brown bilang bida sa Netflix hit series na “Stranger Things” at “Enola Holmes” samantalang si Bongiovi naman ay isa ring aktor at anak ng American singer na si Jon Bon Jovi ng rock band na Bon Jovi.

Bumuhos naman ang suporta para sa dalawa mula sa mga fans at iba pang kilalang personalidad. Inaasahan naman ang paglabas ng animated TV series na Stranger Things na inanunsiyo mismo ng Netflix.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.