‘Bayanihan sa Estero Program’ inilunsad ng MMDA

BAYANIHAN sa Estero Program ang inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., upang linisin at mapanatili ang mga drainage infrastructure sa Metro Manila. 

Naglalayon ang programa na tugunan ang paulit-ulit na pagbaha sa pamamagitan ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig mula sa mga burak at solid waste.

Target na tutukan ng programa ang 273 daluyan ng tubig sa Metro Manila at 23 priority esteros na kinakailangan ang agarang paglilinis.

Natapos na ang paglilinis sa 12 estero na may 881 cubic meters ng basura ang nakolekta.

Sa pamamagitan ng bayanihan, magtutulungan ang concerned national government agencies, city at barangay local government units (LGUs) at civil society organizations.

Kabilang sa ahensya ng gobyerno na may kanya-kanyang gagampanman ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa estero rangers; Department of Labor and Employment (DOLE) para sa karagdagang manpower sa pamamagitan ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers; Department of Public Works and Highways (DPWH) sa heavy equipment, dredging support at engineering coordination.

Katuwang din ang Department of Education sa dessimination of information at educational campaign sa tamang pagtatapon ng basura at kahalagahan ng pangangalaga sa mga estero habang ang Department of Interior and Local Government (DILG) ang magpapakilos sa barangay volunteers at local access at coordination.

Kasama ng mga pribadong kasosyo ang APO Fraternity at Lucio Tan Group ay nagbibigay ng mga karagdagang mapagkukunan tulad ng mga tool sa paglilinis.

Ang MMDA ay magsasagawa ng regular na pagpapanatili upang matiyak na ang mga daluyan ng tubig ay mananatiling malinis at gumagana.

Ang programa ay nagpapakita rin ng mga makabagong teknolohiya upang i-convert ang basura sa mga mahahalagang byproduct, tulad ng mga eco-bricks at charcoal briquette.

Ibinida rin ni Artes na may mga bagong kagamitan para matanggal ang mga estero na pagmamay-ari at pinangangasiwaan ng ahensya, mismo at hindi kinokontrata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.