Asahan na ang pagpapatupad ng bawas-presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.
Batay sa ipinalabas na abiso ng Unioil at Cleanfuel, may pisong rolbak sa bawat litro ng kanilang krudo habang P1.50 naman sa kanilang diesel.
Nauna na ring ipinatupad ng Unioil ang oil price adjustment kaninang alas-sais ng umaga.
Nakatakda namang ipatupad ng Cleanfuel ang bawat-presyo bukas, araw Lunes, alas-8 ng umaga.
Ang oil price rollback ay dulot na rin ng paggalaw ng halaga ng bentahan sa pandaigdigang merkado.