Celtics pasok sa Eastern Conference Finals matapos silatin ang defending champion sa kanilang “do-or-die” game.

Ang koponan ng Boston Celtics ang nakalusot para sa Eastern Conference Finals matapos na tuluyang gibain sa double overtime game ang defending champion na Toronto Raptors sa kanilang “do-or-die” game.

Kabuuang 92 puntos ang naitala ng Celtics habang 87 puntos sa Raptors sa Final 4th quarters ng Game 7 kung saan haharapin ng 3rd-seeded na Celtics ang nag-aantay na 5th seeded na Miami Heat na magsisimula ang Game 1 sa Martes.

Masaklap ang nangyari sa Raptors dahil target sanang maging ikapitong prangkisa sa NBA history na bumangon at makuha ang Game 7 gamit ang apat na sunod na panalo.

Gayunman hindi sila umubra sa pinagsamang all-around games nina Jaylen Brown na may 21 puntos, Marcus Smart na nagtala ng 16 at si Kemba Walker na nag-ambag ng 14 na puntos.

Para naman sa Toronto nanguna si Fred VanVleet na umiskor ng 20 puntos, nagpakita naman ng 16 si Kyle Lowry, habang may 14 si Serge Ibaka.

Kung ipapaalala ilang mga analyst na rin ang nagdududa sa kakayahan ng Raptors sa pagkakataong ito na umusad ng husto lalo na at nabawasan sila ng main man na si Kawhi Leonard na napunta sa Clippers.

Kaugnay nito ay tuluyan ng nilisan ng koponan na pinangungunahan ni Lowry ang NBA bubble sa World Disney sa Florida araw ng Linggo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.