Arraignment ng dalawang opisyal ng Maynila, ipinagpaliban ng korte

IPINAGPALIBAN muna ng Manila Regional Trial Court Branch 26 ang arraignment para sa kaso ng dalawang opisyal ng lungsod ng Maynila na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Graft Law.

Ang mga opisyal ay sina Charlie Dungo, head ng Department of Tourism, Culture and Arts Manila (DTCAM) at administrative officer na si Robert Steven Principe.

Ang pagbasa ng sakdal sa dalawa ay ni-reset dahil ang hukom na may hawak ng kaso ay masama ang pakiramdam.

Sina Dungo at Principe ay kinasuhan ng paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at isa ring reserve colonel ng Philippine Navy.

Tiwala naman ang abogado ni Villaseñor na si Atty. Ej Labro na makukuha ang hustisya lalo na’t matibay ang mga ebidensiyang naipakita nila sa korte.

Tumanggi naman ang kampo ni Dungo na magbigay ng pahayag kung saan una na silang nag-piyansa hinggil sa kasong kinakaharap.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.