Magpapatupad ng dagdag bawas singil sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang oil companies simula alas 6 ng umaga bukas.
Batay sa abiso ng Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Flying V, Total at Petron, bababa ng sampung sentimo ang kada litro ng gasolina.
Pero sa kabila nito, tataas naman ng apanaput limang sentimo sa kada litro ng diesel.
Habang ang presyo ng kerosene ay tataas ng limaput limang sentimo ang kada litro.
Samantala, wala pa naman abiso ang iba pang kumpanya ng langis kaugnay sa paggalaw sa presyo ng prokuktong petrolyo.

