Sabong, bawal pa rin ayon sa Malakanyang

Share this information:

Hindi pa rin pinapayagan ang sabong sa buong bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos may mapaulat na may nagaganap nang sabong sa ibat ibang bahagi ng bansa kahit na may banta pa ng Covid 19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Harry Roque na bawal ang anumang uri ng sabong, mapa live man ito o online.

Sa ngayon aniya ay tinatalakay pa lamang ng technical working group ng Inter Agency Task Force (IATF) kung papayagan o hindi ang sabong.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.