Inirerekomenda na ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng ventilation lalo na sa mga enclosed area o rooms gaya ng mga opisina at iba pang kahalintulad na lugar.
Ito ay kahit wala pang kongkretong ebidensya na magpapatunay na posible na ang airborne transmission ng COVID-19.
Sa kanyang virtual press briefing, sinabi ni Health Usec. At Spokesperson Ma. Rosario Vergeire na nagpalabas na ng isang memorandum order ang DOH para bigyang-gabay ang lahat hinggil sa ventilation.
Sa ilalim ng nasabing memo, pinaiiwasan ng DOH ang pagsasagawa ng aktibidad sa mga enclosed indoor spaces.
Mas mabuti, ayon sa DOH, kung magsasagawa ng mga aktibidad sa mga open air na lugar upang may sapat na bentilasyon ng hangin.
Para naman sa sasakyan, kung ito ay pang-biyahe o public transportation dapat ang iwasan ay ang recirculated air-conditioning.
Sa mga comfort room o palikuran naman na ginagamit ng maraming tao, dapat ay lagyan ng exhaust fan.