561 pulis, sibilyan, nabigyan ng serbisyong pangkalusugan sa ‘Alagang QCPD Program’

Sa pangunguna ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PCol Melecio Buslig, JR, patuloy na binibigyang-prayoridad ng pamunuan ang kalusugan at kapakanan ng mga tauhan nito sa pamamagitan ng programang Alagang QCPD.

Matagumpay na nagsagawa ng isang buwang health visitation ang QCPD Medical and Dental Unit (DMDU), sa pamumuno ni PLTCOL Van Jason Villamor, mula Enero 1 hanggang 31, 2025, sa iba’t ibang himpilan at yunit ng QCPD.

Layunin ng health visitation na magbigay ng komprehensibong serbisyong medikal at dental upang mapanatili ang mabuting kalusugan ng mga tauhan ng QCPD. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang health assessments, diet at nutritional counseling, health lectures ukol sa mga karaniwang sakit at paano ito maiiwasan, stress management workshops, at dental consultations.

Namahagi rin ng health at dental kits upang mapanatili ang maayos na personal hygiene, gayundin ng Information, Education, and Communication (IEC) materials upang palawakin ang kaalaman sa pangangalaga ng kalusugan.

Samantala, 507 tauhan ng QCPD, 13 awtorisadong sibilyan, at 5 dependents ang nakinabang sa mga serbisyong medikal na ito.
Bukod pa rito, 36 Persons Under Police Custody (PUPCs) ang sumailalim sa regular na health monitoring, kabilang ang pagsusuri ng blood pressure, upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang nasa kustodiya.

Pinuri ni PCOL Buslig, Jr ang pagsisikap ng DMDU at binigyang-diin ang kahalagahan ng kalusugan at kapakanan ng mga pulis sa pagpapanatili ng epektibong operasyon ng distrito. “Sa pamamagitan ng ‘Alagang QCPD’ program, hindi lamang natin sinisigurong ligtas ang publiko kundi inaalagaan din natin ang mga tauhan nating tapat na naglilingkod sa ating komunidad,” aniya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.