DOH, nagdeklara ng “Code White Alert” sa mga ospital malapit sa Kanlaon

NAKATAAS na ang “Code White Alert” para sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano, ayon sa Department of Health (DOH) .

Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing may malalaking kaganapan o holiday na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.

Pinayuhan din ng DOH ang mga residente na mag-ingat at makinig sa mga abiso na magmumula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Itinaas ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) ang alert level sa Kanlaon Volcano mula Alert Level 1 hanggang Alert Level 2 nitong Lunes. Nangangahulugan ito na mataas na paggalaw nito dahil sa ” na nangangahulogang ang pagtaas ng kaguluhan na dala ng “shallow magmatic processes” na maaaring mauwi sa karagdagang pagputok ng bulkan.

Ngayong Martes, nasa kabuuang 1,562 indibidwal o 210 pamilya na sa probisnya ng Negros Occidental ang nailipat na sa mga evacuation center kasunod ng pagputok ng bulkan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.