NAKATAAS na ang “Code White Alert” para sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano, ayon sa Department of Health (DOH) .
Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing may malalaking kaganapan o holiday na nagdudulot ng mass casualty incidents o emergencies.
Pinayuhan din ng DOH ang mga residente na mag-ingat at makinig sa mga abiso na magmumula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Itinaas ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) ang alert level sa Kanlaon Volcano mula Alert Level 1 hanggang Alert Level 2 nitong Lunes. Nangangahulugan ito na mataas na paggalaw nito dahil sa ” na nangangahulogang ang pagtaas ng kaguluhan na dala ng “shallow magmatic processes” na maaaring mauwi sa karagdagang pagputok ng bulkan.
Ngayong Martes, nasa kabuuang 1,562 indibidwal o 210 pamilya na sa probisnya ng Negros Occidental ang nailipat na sa mga evacuation center kasunod ng pagputok ng bulkan, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

