“Doktor” na Vietnamese at kasama nito, tiklo sa kasong abortion, cosmetic enhancement

LIMANG ilegal na mga dayuhan ang inaresto ng mga  ahente ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pagkakasangkot sa kasong abortion.

Kasama sa mga inaresto ang isang Vietnamese national sa Macapagal Blvd. sa Pasay City na ayon sa BI ay nagpakilala bilang “Doctor Sang,” na kalaunan ay kinilala bilang si Trinh Dinh Sang, 29 taong gulang, at nagtatrabaho sa isang wellness clinic sa nasabing lugar.

Isinagawa ang operasyon dahil sa impormasyon na nakalap ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) Pasay City na si Sang ay sangkot sa ilegal na pagsasagawa ng cosmetic enhancement at abortion.

Naaresto rin sa nasabing oeprasyon ang dalawa pang Vietnamese national na kinilalang sina Nguyen Duy Quynh, 67 taong gulang, at Pham Thi Nhu Hieu, 28 taong gulang, at dalawang Chinese national na kinilalang sila Xie Jun, 36 taong gulang at Zhai Jian Gang, 43 taong gulang.

Ayon kay BI intelligence division Chief Fortunato Manahan Jr., nagpanggap ang mga operatiba na mga kliyente para sa isang cosmetic treatment at nang nakumpirma  ay inaresto ang mga ito kasama ang iba pang kasabwat.

Their activities are dangerous and pose as a threat to public safety,” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco.  “We are thankful for the cooperation of our partners in government in this effort to locate and arrest these illegal aliens,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.