PCG, tinitingnan ang pagtatayo ng base sa Catanduanes

Share this information:

PINAG-AARALAN ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagtatayo ng isang base sa Catanduanes upang makatulong na palakasin ang pagtugon ng bansa sa mga territorial incursion at iba pang insidente na may kaugnayan sa dagat sa rehiyon.

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na ang naturang base ay lilikha ng jump-off point para sa mga sasakyang pandagat ng PCG at maputol o mas mapabilis ang PCG response time.

The PCG can immediately deploy our assets and drive away watercraft engaged in activities that the Department of Foreign Affairs (DFA) is not aware of,” he said during an interview sa Bagong Pilipinas Ngayon sa PTV.

Sa ngayon, ayon kay Tarriela, ang mga barko ng PCG na patungo sa Catanduanes ay kailangang manggaling sa Subic, Pangasinan, o sa Visayas area.

Idinagdag pa niya na ang pagtatag ng anumang base ay nakatanggap ng suporta mula sa Kongreso.

Noong nakaraang linggo, isang Chinese research vessel ang nakita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Catanduanes at kalaunan sa Northern Samar. 

Sinabi ni Tarriela na ang sasakyang pandagat ay nag-deploy ng mga kagamitan na sinasabing ginagamit sa hydrographic surveys.

Noong Lunes, si Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ay naghain ng resolusyon na naglalayong pagandahin ang mga nakagawiang patrol sa eastern seaboard ng bansa matapos makita ang isa pang Chinese research vessel sa lugar.

Hinimok ng House Resolution No. 1707 ang AFP at ang PCG na magtalaga ng mga tauhan at magsagawa ng mas mainam na regular na patrol at maritime surveillance sa silangang baybayin ng bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.