Online seller, arestado sa Maynila

ARESTADO ang isang online seller matapos itong ireklamo hinggil sa ilegal nitong aktibidad kaugnay ng pagbebenta nito ng mga gamot para sa flu-like symptoms at rapid antigen test kits.

Sa operasyon ng Manila Police District-Special Mayor Reaction Team (MPD-SMART) sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr.,  kinilala ang suspek na si Monique Gamboay Tanada, 29 anyos, dalaga, at nakatira sa 1367 Bambang St., Tondo, Maynila.

Ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Bambang St., kanto ng Yakal St. Sta.Cruz, Maynila hinggil sa aktibidad ng suspek dahil sa mga natatanggap na reklamo laban sa kanya.

Nakuha sa suspek ang 18,000 tableta ng Bioflu, isang kahon ng Neozep at dalawang kahon ng rapid antigen test kits.

Hawak ngayon ng MPD-SMART ang suspek para sa malawakan pang imbestigasyon kung saan maaari itong maharap sa kasong paglabag sa Special Law on Counterfeit Drugs, Consumer Act of the Philippines, Food and Drug Administration Act of 2009, Manila City Ordinance No. 83331 (Omnibus Revenue Code for operating without business permit).

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.