AABOT sa P90-milyong halaga ng marijuana plants ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Tinglayan, lalawigan ng Kalinga.
Batay sa ulat ni PNP-DEG Director BGen. Remus Medina, nadiskubre ang apat na taniman ng marijuana sa Barangay Loccong at dalawang taniman sa Barangay Butbut Proper.
May kabuuang lawak ang mga sinasabing taniman na 36,000 square meters.
Binunot at sinunog na ang 360,000 piraso ng fully-grown marijuana plants na may halagang P72-milyon at tinatayang 150-kilo ng dried marijuana leaves na may standard drug price na P18 milyon.

