SA pangalawang pagkakataon ay muling kinansela ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Pebrero 1 bunsod pa rin ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 na may Omicron variant .
Ayon sa pamahalaang lungsod, kabilang sa mga aktibidad na kinansela ay ang pagdaraos ng tradisyunal na parada, lion at dragon dancing, pagsindi ng mga paputok sa kalsada, street parties, stage shows, street games at iba pang aktibidad.
Bawal din ang pagbebenta ng alak sa Binondo area.
Ang hakbang na ito ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay upang maiwasan ang posibleng pagkalat o maging superspreader event ng virus ang mga ganitong pagdiriwang.
Kaugnay nito, mahigpit na ding ipatutupad ang liquor ban sa lungsod, ayon kay Manila Barangay Bureau (MBB) chief Romeo Bagay.

