Paglabag sa health protocols sa kampanya, ituturing na isang election offense

ANG anumang paglabag sa mga health and safety protocols na itinakda ng gobyerno habang nangangampanya ngayong may pandemya ay ituturing na isang election offense.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec),  isa hanggang anim na taong pagkakakulong at diskwalipikasyon sa pagboto at maupo sa puwesto sa gobyerno ang parusang naghihintay batay sa Comelec Resolution 10730.

Kabilang dito ang hindi pagsunod sa isang metrong physical distancing; ang hindi pagsusuot ng face shield at face mask, regular na paglilinis ng kamay at tamang gawi sa pag-ubo at pagbahing.

“Any violation of Fair Elections Act and these Rules shall constitute an election offense punishable under the first and second paragraph of Section 264 of the Omnibus Election Code and other pertinent laws, rules and regulations, whenever applicable,” ayon sa resolusyon.

Pagmumultahin rin ang partido pulitika na mapapatunayang lalabag sa mga patakaran nang hindi bababa sa P10,000.

Ang mga nag-organisa ng kampanya ay pinagsusumite rin ng notarisado na affidavit of compliance with health protocols sa Comelec sa loob ng 24 na oras matapos ang pisikal na pangangampanya.

Mag-uumpisa ang campaign period sa national position mula Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 7, 2022 habang sa mga lokal na posisyon naman ay mula Marso 25, 2022 hanggang Mayo 7, 2022. 

Ang kabiguang magawa ito ay may kaakibat rin na parusa salig sa RA 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.