Chinese at Lebanese nationals, arestado ng BI

Share this information:

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese at isang Lebanese national sa magkahiwalay na operasyon sa siyudad ng Roxas at Lapu-lapu.

Ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., naaresto si Chen Chuishi, 35 anyos, sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Tanque, Roxas City.

Armado ng Mission Order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente, ipinatupad ng mga operatiba ng intelligence mula sa Region 6 ang order laban kay Chen dahil paso na ag kanyang visa.

Samantala, inaresto naman ng mga operatiba ng BI intelligence mula sa Region 7 ang Lebanese na si Rabih El Acha Hassouneh, 43 anyos, sa isang restaurant sa Basak, Lapu-lapu City.

Isang mission orde ang inisyu laban kay Hassouneh dahil nagtratrabaho ito ng walang visa at pagiging overstaying. Inaresto siya habang naghahanda ng isisilbing pagkain sa kanilang mga customer pero walang maipakitang anumang immigration documents.

Ang dalawa ay kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940 at dadalhin sa pasilidad sa Bicutan, Taguig  City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Paglabag sa health protocols sa kampanya, ituturing na isang election offense

Mon Nov 22 , 2021
ANG anumang paglabag sa mga health and safety protocols na itinakda ng gobyerno habang nangangampanya ngayong may pandemya ay ituturing na isang election offense. Ayon sa Commission on Elections (Comelec),  isa hanggang anim na taong pagkakakulong at diskwalipikasyon sa pagboto at maupo sa puwesto sa gobyerno ang parusang naghihintay batay […]
%d bloggers like this: