P65-milyong halaga ng assorted drugs, nakumpiska sa American citizen at kasama nito

Share this information:

AABOT sa P65 milyong halaga ng iba’t-ibang ilegal na droga ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa dalawang naarestong indibidwal kabilang ang isang American citizen sa Quezon City.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric Distor, kinilala ang mga suspek na iprinisinta ngayong Lunes sa mga mamamahayag na sina Ramon Loarca na isang American citizen ngunit muling nakuha ang kanyang Filipino citizenship, habang si Wilson De Lara Apalisoc ay isang Filipino citizen.

Sinabi ni Distor na base sa natanggap na impormasyon ng NBI, ang bahay sa Teachers Village ay ginagamit umanong kanlungan ng mga gumagamit ng droga ng may-ari nito na isang retired serviceman ng US  Air Force.

Dahil sa mahigpit na pagsubaybay, agad na ikinasa ng NBI-Task Force Against Illegal Drugs sa ilalim ng Intelligence Service ng NBI ang search warrant mula sa Regional Trial Court ng Quezon City na nagresulta ng pagkakadiskubre ng drug den sa nasabing lugar.

Sa operasyon, nadiskubre at nakumpiska ang ilang Ecstasy na may kabuuang 27,334 tablets, shabu, cocaine, kush, marijuana sticks, chemicals, laboratory equipment at  drug paraphernalia  na may kabuuang milyon-milyong halaga.

Nakumpiska rin ang isang 9MM Uzi sub-machine gun, Remington shotgun, Glock pistol, .22 Automatic rifle,  800 ng iba’t-ibang kalibre ng baril at matataas na pampasabog.

Binigyang-diin ni Distor na ang mga suspek ay pinaniniwalaang gumagawa ng hindi tiyak na uri ng mga mapanganib na droga sa pulverized ecstasy sa methamphetamine at cocaine upang makagawa ng bagong party drug para sa kanilang kliyente.

Ipiprisinta sa inquest proceedings sa Quezon City Prosecutors Office ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa  R.A. 9165 o kilala bilang Comprehensive Drugs Act of 2002

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.